^

PSN Palaro

F4 slot target ng Lady Chiefs

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puntirya ng reigning champion Arellano University na maipormalisa ang pag-entra nito sa Final Four sa pagharap sa Emilio Aguinaldo College ngayong hapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 97 wo­men’s volleyball tournament sa Paco Arena sa Maynila.

Magtutuos ang Lady Chiefs at Lady Generals sa alas-2:30 ng hapon matapos ang duwelo ng San Sebastian College-Recoletos at San Beda University sa alas-12 ng tanghali.

Nasa solong No. 2 spot ang Arellano bitbit ang 6-1 marka habang nangunguna ang season host College of Saint Benilde na may malinis na 7-0 rekord at awtomatikong umabante na sa semis.

Galing ang Lady Chiefs sa 25-12, 25-13, 25-23 panalo laban sa University of Perpetual Help System Dalta noong Sabado para maikonekta ang kanilang ikaapat na sunod na panalo.

Sasandalan ng Arellano sina Kristine Adante, Nicole Sasuman, Princess Robles at Trina Abaya na siyang pangunahing pumupuntos sa kanilang tropa.

Pinayuhan ni Lady Chiefs head coach Obet Javier ang kanyang bataan na huwag magpakampante lalo pa’t gumaganda na ang laro ng Lady Generals.

“Hindi kami pwedeng maging overconfident. Ga­ling sila (EAC) sa panalo and good motivation yun para sa kanila. We prepared for them dahil kilala naman namin natin si (EAC) coach Rod (Palmero) na hindi yan basta-basta bibitaw,” ani Javier.

Matapos ang limang sunud-sunod na kabiguan sa pagsisimula ng torneo, kumana ang Lady Gene­rals ng dalawang sunod na panalo kabilang na ang 17-25, 26-24, 25-21, 25-17 pananaig laban sa Letran.

At nais ng Lady Ge­nerals na magkaroon ng magarbong pagtatapos nag kampanya nito sa season na ito.

vuukle comment

NCAA

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with