^

PSN Palaro

Lady Chiefs matatag sa No. 2 spot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napigilan ng defending champion Arellano University ang paghahabol ng University of Perpetual Help System Dalta sa hu-ling sandali ng laro upang kunin ang 25-12, 25-13, 25-23 panalo kahapon sa National Colllegiate Athletic Association Season 97 wo­men’s volleyball tournament sa Paco Arena sa Maynila.

Naikonekta ng Lady Chiefs ang ikaanim na panalo para mapatatag ang kapit sa ikalawang puwesto bitbit ang 6-1 baraha.

Nanguna sa opensa ng Arellano si Nicole Sasuman na bumanat ng 10 puntos at tatlong excellent receptions.

Nakatuwang ni Sasuman sa ratsada si Princess Robles na gumawa ng siyam na puntos habang nagdagdag naman si Trina Abay ng walong puntos.

Minanduhan ni Kristine Adante ang kanilang tropa matapos magtala ng 19 excellent sets kalakip ang dalawang puntos para sa Lady Chiefs.

Nagsanib puwersa naman sina Grace Daisog at Cherry Cuenca sa floor defense nang magrehistro ang mga ito ng 15 digs at anim na receptions, ayon sa pagkakasunod.

Nahulog ang Lady Altas sa 2-5 baraha para sa ikaanim na puwesto.

Magpapatuloy ang aksyon ngayong araw kung saan target ng na­ngungunang College of Saint Benilde na maipormalisa ang pag-entra sa Final Four sa pagharap nito sa Jose Rizal University sa alas-12 ng tanghali.

Namamayagpag ang Lady Blazers bitbit ang malinis na 6-0 marka.

Susundan naman ito ng engkuwentro ng Mapua at Lyceum sa alas-2:30 ng hapon.

vuukle comment

DALTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with