^

PSN Palaro

Paat binuhat ang Nakhon sa win No. 4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Paat binuhat ang Nakhon sa win No. 4
Mylene Paat.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sinisiguro ni national mainstay Mylene Paat na karapat-dapat ito sa tiwalang ibinigay ng Nakhon Ratchasima matapos buhatin ang kanyang tropa sa 25-21, 25-18, 27-25 panalo kontra sa Proflex RSU sa 2021-22 Volleyball Thailand League kahapon sa Nimibutr Stadium sa Bangkok, Thailand.

Hindi lamang sa attack line rumatsada ng husto ang 5-foot-11 opposite hitter dahil nagpakawala rin ito ng matatalim na service aces para buhatin ang Nakhon Ratchasima sa win No. 4.

Kumana si Paat ng kabuuang 25 puntos mula sa 19 attacks at anim na aces.

Ilan sa mga key plays ni Paat ang magandang inilaro nito sa first set kung saan hawak ng Nakhon Ratchasima ang dikit na 22-21 abante nang pakawalan ng Pinay spiker ang tatlong sunod na aces para tapusin ang set.

Muli itong ginawa ni Paat sa second set nang itarak ang tatlong sunud-sunod na aces para isara ang natu­rang yugto sa 25-17.

Sinubukang pumalag ng Proflex sa third set nang maitabla nito ang iskor sa 25-all

Agad namang sumaklolo si Kanyaphat Khunmat na kumana ng crosscourt kasunod ang isang solidong block para tuluyang makuha ng Nakhon Ratchasima ang panalo.

Tinuldukan ng Nakhon Ratchasima ang first round bitbit ang 4-3 rekord sapat para okupahan ang No. 4 spot at magpatuloy sa kampanya nito sa second round ng torneo.

vuukle comment

RSU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with