Obiena nakatutok sa mga sasalihang torneo
MANILA, Philippines — Habang napirmahan na ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang Mediation Agreement ng Philippine Sports Commission (PSC) ay tila hindi pa ito iniisip ni national pole vaulter Ernest John Obiena.
Sa panayam ng Radyo Katipunan 87.9 ay hindi sinabi ng Tokyo Olympics campaigner kung kailan niya lalagdaan ang nasabing kasunduan na inaasahang reresolba sa kanilang hidwaan ni PATAFA president Philip Ella Juico.
“I think I’m so confident in it because I know it’s the truth and I hold the truth in my side and I don’t think I should have any like worries about who’s supporting me or who’s not,” ani Obiena.
Ang nasabing Mediation Agreement ng PSC ang magtatakda ng pag-uusap nina Obiena at Juico kaugnay sa ginawang liquidation procedure ng pole vaulter.
Sumailalim kamakailan sa isang surgery si Obiena sa Germany kung saan inalis ang turnilyo sa kanyang kaliwang tuhod para sa ACL reconstruction noong 2017.
Sasabak ang 6-foot-2 pole vaulter sa limang mabibigat na international tournaments ngayong taon.
Lalahok si Obiena sa Init Indoor Meeting sa Enero 28 sa Karlsruhe, Germany kasunod ang World Indoor Championships sa Serbia sa Marso.
- Latest