^

PSN Palaro

Hidilyn at Julius engaged na!

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Hidilyn at Julius engaged na!
Hidilyn
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dumating na ang pagkakataong pinakahihintay ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.

Sa kanyang Instagram post ay ipinagsigawan kahapon ni Diaz ang kanilang engagement ng nobyong si strength and conditioning coach Julius Naranjo.

“It’s YES!” wika ni Diaz sa pagsagot n’ya kay Na­ranjo. “It was a magical moment with @imjulius. I’m grateful to God that He sent Julius into my life, he make my life easy.”

Nagkakilala ang parehong 30-anyos na sina Diaz at Naranjo noong 2017 sa Asian Indoors Martial Arts Games sa Ashgabat, Turkmenistan kung saan kinatawan ni Diaz ang Pilipinas at dala naman ni Naranjo ang bandera ng Guam.

Noong Hulyo sa Tokyo, Japan ay tinapos ni Diaz ang 97-taong pagkauhaw ng Pinas sa kauna-una­hang Olympic gold medal.

Sina Naranjo at Chinese coach Gao Kaiwen ang gumabay sa tubong Zamboanga City sa pagrereyna sa women’s 55 kilogram division ng Tokyo Games.

“Alam ng iba kung ano mga sinasakripisyo niya para maabot namin ang pangarap na ginto sa Olympics together with #TeamHD, nun laro kinilig at masaya ako kasi siya mismo nagsabi God is the center of our relationship, kaya walang duda magYeYES ako dahil swerte ako may isang Julius nagmamahal, nagintindi, at sumuporta sakin,” ani Diaz kay Naranjo na ipinanganak sa Guam.

Ang ama ni Naranjo ay isang Pinoy habang ang nanay niya ay Haponesa.

Magsasanay si Diaz sa Malaca, Malaysia ka­sama si Naranjo bilang pagha­handa sa 2021 Inter­national Weightlifting Federation (IWF) World Championships na naka­takda sa Disyembre 7-17 sa Tashkent, Uzbekistan.

vuukle comment

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with