^

PSN Palaro

Ginebra vs Phoenix sa no. 8 berth

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maaari pa ring maidepensa ng Barangay Ginebra ang kanilang titulo matapos ang panalo ng NorthPort.

Binugbog ng mga Batang Pier ang talsik nang Alaska Aces, 122-94, sa pagtiklop ng elimination round ng 2021 PBA Phi-lippine Cup kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Ang panalo ng NorthPort (6-5) ang nagtakda sa playoff ng Ginebra (4-7) at Phoenix (4-7) para sa No. 8 spot sa quarterfinals kung saan ang mananalo ang sasagupa sa No. 1 TNT Tropang Giga (10-1).

May sukbit na ‘twice-to-beat’ advantage ang Tropang Giga at No. 2 Meralco Bolts (9-2) na pinatumba ang Gin Kings, 79-66, sa unang laro.

“We wanted to go into the playoffs with momentum. We don’t want to go to the playoffs with a loss. It just so happened Ginebra is our opponent today,” ani Bolts’ coach Norman Black.

Umiskor sina Mac Belo at rookie Alvin Pasaol ng tig-15 points para pangunahan ang Meralco kasunod ang 10 markers ni Chris Newsome.

Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Bolts na sasagupain ang No. 7 NLEX Road Warriors sa quarterfinals habang magtutuos ang No. 3 Magnolia Hotshots (8-3) at No. 6 Rain or Shine Elasto Painters (6-5) at maghaharap ang No. 4 San Miguel Beermen (7-4) at No. 5 Batang Pier (6-5) sa best-of-three  series.

Magtatapat sina six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng San Miguel at seven-footer Greg Slaughter ng NorthPort.

“Magandang laban iyan,” sabi ni Batang Pier head coach Pido Jarencio.

Tumipa si scoring guard Robert Bolick ng 22 points at may 21 markers si rookie Jamie Malonzo para sa ikalawang sunod na panalo ng Batang Pier.

Kasama ng Aces (3-8) sa bakasyon ang Terrafirma Dyip (4-7) at Blackwater Bossing (0-11).

Matapos magtala ng PBA record na 0-19, kasama ang 0-8 marka sa 2020 PBA Clark bubble, tinapik ng Blackwater si Ariel Vanguardia bilang bagong head coach kapalit ni Nash Racela para sa kanilang susunod na kampanya.

vuukle comment

NORTHPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with