^

Metro

Nagrali na militanteng grupo at pulisya nagkairingan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Nagrali na militanteng grupo at pulisya nagkairingan
Tension arose after militant groups tried to go in front of the Commission on Human Rights along Commonwealth Avenue on May 25, 2022 to stage a protest rally and oppose the canvassing of the House of the Representative in Batasan, Quezon City.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nagkairingan ang grupo ng mga militanteng grupo at mga tauhan ng pulisya kahapon sa harap ng tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Quezon City.

Nauwi ang kilos protesta ng mga militante sa balyahan, girian at pambobomba ng tubig makaraang tangkain ng mga ito na magtungo at magrali sa Batasan Complex.Nauna rito, nagtungo sa CHR office ang mga militante, kabilang ang Youth Group Student Christian Movement of the Philippines (SCMP), upang magprotesta at ipakita ang kanilang pagtutol sa nakatakdang proklamasyon nina presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at presumptive Vice President Sara Duterte.

Pinayagan naman ng mga pulis ang grupo na makapagsagawa ng rally sa compound ng CHR.

Gayunman, nang tangkain ng mga ito na lumabas ng compound upang magtungo sa Batasan Complex ay hindi na sila pinahintulutan pa ng mga otoridad.

Hinarang ng mga pulis ang mga militante nang subukan ng mga ito na makalabas ng compound para makapag-martsa patungo sa Batasan Complex.

Dito na nagkaroon ng tulakan at balyahan sa pagitan ng mga pulis at mga raliyista.

Napilitan din ang mga bumbero na bombahin ng tubig ang mga raliyista upang mag-disperse ang mga ito.

Ang lahat din ng mga sasakyan na dumadaan na papuntang bahagi ng Fairview ay isa-isang iniinspeksyon ng pulisya.

Ayon kay Anonas Police Station 9 Chief Police Supt Richie Claraval, ground commander ng Quezon City Police District (QCPD), hindi nila maaa­ring payagang makapunta sa Batasan Complex ang mga militante para doon magdaos ng rally dahil walang permit ang mga ito.

vuukle comment

CHR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with