^

Metro

Higit P40 milyong shabu nasabat sa Makati: 2 arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit sa P40-mil­yong halaga ng shabu ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kaugnay nito dalawa ang nadakip sa isinagawang operasyon na kinilalang sina Bryan Salceda, 26, construction worker at Jerome Gaje, 27, kapwa ng Pasay City.

Sa inisyal na ulat ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group, dakong alas-7:30 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa B. Hilario St., Brgy. Palanan, Makati City.

Nabatid na nakabili ang mga awtoridad ng nasa 6 na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,800,000.

Samantala, nasa  P14 milyong halaga ng shabu ang nasabat din sa dalawang hiwalay na operasyon sa Makati at Parañaque City, nitong nakalipas na Martes.

Una ang pagkahuli sa isang Aldren Cabarrubias, 21,  na nakumpiskahan ng 2000 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa P13 milyon sa isinagawang buy-bust ope­ration, dakong alas 5:37 sa Evangelista corner Arnaiz sts,, Brgy. Bangkal, Makati City.

Kasunod nito, dakong alas-8:55 ng gabi ng Martes din, ay nadakip naman sa Kabesang Cillo St, Brgy. Tambo, Parañaque City ang dalawang suspek na kinilalang sina Kennedy Balan, 25; at Maynard Delos Santos , 28-anyos.

Narekober mula kay Balan at Delos Santos ang nasa 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng  P340,000  at buy-bust money. —  Doris Franche

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with