^

Metro

Road closure, traffic rerouting sa Bar Exams ipapatupad

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng road closure at  traffic rerouting sa bahagi ng Makati City upang bigyang-daan ang nakatakdang Bar examinations na gaganapin sa lungsod.

Sa advisory, ipatutupad ng Makati Public Safety Department ang pagsasarado ng kahabaan ng  J.P. Rizal street extension  simula sa Buting hanggang sa Lawton Avenue sa Pebrero 4 at Pebrero 6 mula alas-4:00 ng madaling araw hanggang alas- 8:00 ng umaga.

“The stretch of J.P. Rizal St. Ext. from Buting to Lawton Ave. is closed to traffic except for vehicles carrying examinees and concerned employees,”  ayon sa advisory.

“Only designated loa­ding and unloading areas are available. No parking space is provided,” dagdag pa nito.

Paunawa naman ng lokal na pamahalaan sa mga kukuha ng pagsusulit, dapat na magpakita sila ng exam permit para makapasok ang kanilang mga sasakyan.

Inabisuhan na rin ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta sa nabanggit na panahon.

Ang mga sasakyan na magmumula sa Buting/Pateros, ay dumaan sa Kalayaan Avenue patungong Gudalupe-EDSA o Lawton Avenue patungo sa JP Rizal EDSA; ang mga magmumula sa Guadalupe-EDSA ay pumasok sa Lawton Avenue hanggang Kalayaan Avenue patungo sa Buting.

Nabatid na ang panghapong eksaminasyon sa Bar ay gaganapin ala- 1:50 ng hapon  hanggang alas-5:50 ng hapon sa Pebrero 4, batay sa ipinalabas na schedule adjustments ng Korte Suprema.

Gayunman, ang iskedyul sa unang pagsusulit sa Pebrero 4 at 6 ay hindi na binago mula sa unang itinakdang oras.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with