^

Metro

Magulang pananagutin sa mga pasaway na mga anak - PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Magulang pananagutin sa mga pasaway na mga anak - PNP
Batay sa Metro Manila Council Resolution No. 21-24, pinapayagan lamang na makalabas ang mga menor de edad kung kasama ang kanilang mga magulang.
The STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Responsibilidad ng mga magulang ang ka­nilang mga pasaway na anak na masusumpu­ngang lumalabag sa ipinatutupad na mga health protocols laban sa COVID-19.

Ito ang binigyang diin ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar nang makatanggap ng  mga report na maraming bata na ang  nasa pasyalan, malls at lansangan matapos na ibaba ang  alert level status sa level 3 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Eleazar, ipapatawag nila ang mga ito at wawarningan kaya dapat na siguraduhin ng mga magulang ang kaligtasan ng kanilang mga anak na naglalaro at gumagala sa mga lansangan.

Hindi rin umano dapat na sinasama sa pamamasyal ang mga anak dahil nananatili ang banta ng  virus kung saan posibleng mahawaan ang mga menor de edad.

Kapansin-pansin din ang hindi pagsusuot ng  face mask at face shield na proteksiyon habang nasa labas ng bahay.

“Parents could be held liable for their children’s disregard or disobedience of health safety protocols,” ani Eleazar.

Batay sa Metro Manila Council Resolution No. 21-24, pinapayagan lamang na makalabas ang mga menor de edad kung kasama ang kanilang mga magulang.

Kahapon muling nagsimula ang pagbabakuna sa mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17 na may comorbidity.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with