19 pari at seminarista sa Ateneo, nagpositibo sa COVID-19
MANILA, Philippines — Nasa 19 na mga pari at seminarista sa Ateneo Jesuit Residences sa Quezon City ang nagpositibo sa COVID-19.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Jesuit Communications executive director Father Emmanuel “Nono” Alfonso na kaagad na isinailalim sa lockdown ang apat sa Jesuit residence.
“Nineteen people at the Ateneo Jesuit Residence in Quezon City have tested positive for the coronavirus disease 2019 (COVID-19),” pahayag pa ni Alfonso kahapon.
Ayon kay Alfonso, 14 na dayuhang seminarista sa Arrupe International Residence, dalawang pari, dalawang Pilipinong seminarista na nakatira sa Loyola House at isang seminarista naman sa Jose Seminary ang nagpositibo rin sa virus.
Pansamantalang inihiwalay muna ang iba pang mga pari at seminarista mula sa retiradong mga pari upang maiwasan na mahawahan ang komunidad.
Ang mga nagpositibo naman sa COVID-19 ay pawang bakunado na at ngayon ay asymptomatic at kinukonsiderang mild cases.
- Latest