Medical, burial assistance sa publiko, alok ng OVP
MANILA, Philippines — Nag-aalok na rin ang Office of the Vice President (OVP) ng medical at burial assistance sa pamamagitan ng kanilang satellite offices.
Layunin nito na mabigyan ng mas madaling access sa social services ang mga mamamayan.
Matatandaang ang mga naturang satellite offices, na siyang magro-rollout ng medical at burial assistance programs, ay una nang inilunsad noong Hulyo 1, na unang araw sa puwesto ni Vice President Sara Duterte.
Ang mga ito ay matatagpuan sa Dagupan, Cebu, Tacloban, Zamboanga City, Davao City at Tandag sa Surigao del Sur.
Ayon kay Atty. Reynold Munsayac, tagapagsalita ni Duterte, plano rin ng bise presidente na magbukas ng mas marami pang satellite offices sa iba’t ibang lugar sa bansa upang mas marami pa silang maabot na mga mamamayan.
- Latest