^

Bansa

15K pulis ikakalat sa Marcos inauguration

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
15K pulis ikakalat sa Marcos inauguration
Policemen will be deployed around the vicinity of the National Museum of the Philippines to secure the area during the inauguration of President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. on Thursday, June 30.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Mas nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na itatalaga at ikakalat ng Philippine National Police (PNP) para sa inagurasyon ni President elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa Huwebes sa National Museum.

Mula sa dating 7,000 pulis, sinabi ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo na aabot na sa 15,000 pulis ang ipakakalat  sa paligid ng National Museum, Philippine International Convention Center, Mendiola areas at mga checkpoints.

“Kung lahat-lahat including ’yung mga ila­lagay natin na mga checkpoints sa mga papasok sa Metro Manila ay higit kumulang na 12,000 hanggang 15,000 ang total na PNP personnel na ide-deploy natin for this purpose,” ani Fajardo.

Tiniyak naman ni Fajardo na wala pa silang natatanggap na pagbabanta o anumang impormasyon upang idiskaril ang inagurasyon ni BBM.

Gayunman, patuloy ang kanilang koordinasyon sa Armed Foces of the Philippines, Philippine Coast Guard at Manila LGU upang matiyak na ang lahat ng impormasyon ay sumasailalim sa validation.

Sa pagtaya ng PNP, 25,000 hanggang 30,000 tagasuporta ni Marcos ang magtitipon sa paligid ng National Museum.

Nilinaw ni Fajardo na papayagan ang mga raliyista na magsagawa ng protesta subalit ito ay sa freedom parks lamang at hindi malapit sa National Museum.

“Sila naman po ay papayagan basta ‘yan po ay limited sa freedom parks at sana ay huwag na sila magplano na umalis, magmartsa patungo sa area kung saan gaganapin ‘yung inauguration para hindi na rin magkaroon ng kaguluhan at problema,” dagdag pa ni Fajardo.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with