^

Bansa

5 lugar sa NCR inilagay sa COVID-19 moderate risk

Ludy Bermudo, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
5 lugar sa NCR inilagay sa COVID-19 moderate risk
Shoppers wear face masks as protection against the coronavirus disease (COVID-19) while inside a market in Marikina City.
The STAR/ Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Tumaas sa “moderate risk” ang klasipikasyon ng apat na lungsod sa National Capital Region kasama ang Pateros, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay batay sa dalawang linggong growth rate ng mga lungsod, average daily attack rate (ADAR), at kapasidad ng kanilang mga health system.

Ang mga lugar na tumaas sa “moderate risk” ay ang mga lungsod ng Marikina, Pasig, Quezon City, San Juan at Pateros.

“Ang kanilang growth rate ay lumalagpas ng 200 percent dahil nanggaga­ling sa mababang numero, biglang nagkaroon ng kaso, kaya tumaas ang growth rate,” ani Vergeire.

Sinabi rin ni Vergeire na ang mga lugar na nasa ilalim ng moderate risk ay maaaring ilagay sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 2.

Pero nilinaw ni Vergeire na kung pagbabasehan ang data ay hindi naman nangangailangan ng mahigpit na quarantine restriction dahil mababa pa ang bilang ng mga COVID patients na nadadala sa mga ospital.

Nasa ilalim ng Alert Level 1 ang Metro Manila at iba pang lugar, ang pinakamaluwag sa five-tier alert level sa bansa, hanggang sa katapusan ng buwan.

“For now, escalation to Alert Level 2 hindi pa natin nakikita. Although we cannot say by next week biglang nagtaasan. That’s the time we are going to decide and that’s going to be IATF to decide,” ani Vergeire.

Binanggit ni Vergeire ang humihinang immunity ng populasyon at hindi na pagsunod sa public health standards ng mga mamamayan.

“Marami tayong factors lagi that will contribute to the increase in number of cases. Tama kayo, kasama na diyan ‘yung pagpasok ng subva­riants ng omicron sa ating bansa, which, based on evidence, is more transmissible. Kasama na rin diyan ... ‘yung compliance sa minimum health standards,” ani Vergeire.

Idinagdag ni Vergeire na sinusubaybayan ng DOH ang isang “strategic” na lugar sa NCR kung saan ang kapasidad ng ospital ay tumaas na “higit sa 50 porsyento.”

Pero karamihan aniya sa mga admission ng ospital ay mild at asymptomatic samantalang hindi naman “significant” ang mga severe cases.

“In this area kung saan tumataas by 50 percent, ito po ’yung isang lugar sa Metro Manila kung saan may malalaking ospital, kung saan sa iba’t ibang bahagi ng NCR nanggagaling ang pasyente, even outside NCR,” ani Vergeire.

Una nang nagbabala si Health Secretary Fransisco Duque III na ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay maaaring tumaas ng hanggang 2,000 araw-araw sa katapusan ng Hulyo, batay sa isang panayam sa telebisyon.

vuukle comment

COVID-19

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with