^

Bansa

Peak ng COVID-19, naabot na ng Metro Manila - Duque

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Peak ng COVID-19, naabot na ng Metro Manila - Duque
Umarangkada na kahapon ang limang araw na bakunahan para sa mga pasa­hero at transport workers sa loob ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Parañaque City. Ang vaccination drive sa ilalim ng ‘We Vax as One: Mobile Vaccination Drive’ ay isinagawa sa second floor ng PITX simu­la alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nag-peak na o umabot na sa pinakamataas na bilang ang COVID-19 sa Metro Manila makaraan ang patuloy na pagbaba ng mga kaso sa mga nakalipas na araw.

“Lumalabas nag-peak na. Nakikita natin na ilang araw nang sunud-sunod na bumababa ang kaso sa NCR at lumiliit ang por­syentong inaambag nito sa ating total caseload,” ayon kay Health Sec. Francisco Duque III sa Laging Handa public briefing.

Nakahanda ang Metro Manila sa pagbaba sa COVID-19 Alert Level 2, ayon pa kay Duque.

Sinabi ni Duque na maganda ang vaccination coverage sa Metro Manila at sumusunod naman ang mga mamamayan sa minimum public health standards.

Anya, mahalaga ang mataas na vaccination co­verage at ang pag-iingat at pag-iwas ng mga mamamayan sa mga sitwasyon kung saan maaari silang mahawa.

Pero sinabi rin ni Duque na depende pa rin sa mga nakalatag na pamantayan ang pagbaba ng Alert Level 2 katulad ng two-week growth rate at Average Daily Attack Rate (ADAR).

Kasama rin aniya sa batayan ang healthcare utilization rate na dapat ay mapanatili na nasa low risk classification o mas mababa sa 50% o 49% pababa ang kabuuang bed utilization at ICU utilization rates.

Posible aniyang pag-usapan ang pagbaba sa Alert Level 2 kung mababa ang severe at critical cases kahit pa tumaas ang bilang ng mga COVID-19.

Kasalukuyang nasa Alert Level 3 ang buong rehiyon na magwawakas sa Enero 31 kung kailan magdedeklara muli ng panibagong alert level. —Malou Escudero

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with