^

Bansa

Quarantine protocols sa mga dayuhan luluwagan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Quarantine protocols sa mga dayuhan luluwagan
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Sabado sa Laging Handa briefing na ito ngayon ang pag-uusapan ng DOH kasama ang mga eksperto.
The STAR / KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH)  ang panukalang luwagan ang quarantine protocols para sa mga dayuhang bisita sa bansa.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Sabado sa Laging Handa briefing na ito ngayon ang pag-uusapan ng DOH kasama ang mga eksperto.

“We are studying this, together with our experts, kung ano ang rekomendasyon na maibibigay natin,” ani Vergeire.

Ito’y kaugnay sa naging panawagan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na mula sa facility-based quarantine tay gawin na lamang home-based quarantine ang para sa mga international visitors.

Inatasan na rin aniya ng Inter-Agency Task Force  ang DOH na pag-aralan na ang proposal para makapagbigay ng rekomendasyon.

Sakaling maaprubahan ang panukalang alisin na ang facility-based qua­rantine control, magiging handa aniya, ang bansa sa iba pang mga layer ng border control para sa mga international arrivals.— Malou Escudero

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with