^

Bansa

Planong pag-import ng galunggong, mackerel binira

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Planong pag-import ng galunggong, mackerel binira
Giit din ni Senador Imee Marcos, hindi dapat pahintulutan ng gobyerno ang pag-import ng 60,000 metriko tonelada ng galunggong at mackerel dahil papatayin nito ang lokal na industriya ng pangingisda.
Michael Varcas / File

MANILA, Philippines — Binatikos kahapon ni Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat ang plano ng Department of Agriculture (DA) na mag-import ang bansa ng 60,000 metriko tonelada ng isda tulad ng galunggong at mackerel.

“May malaking mali, isa itong kabalintuan. Saan ka nakakita ng bansa na napapaligiran ng dagat na kailangang umangkat ng isda? May mali, di ba? May malaking mali,”pahayag ni Cabatbat.

Giit din ni Senador Imee Marcos, hindi dapat pahintulutan ng gobyerno ang pag-import ng 60,000 metriko tonelada ng galunggong at mackerel dahil papatayin nito ang lokal na industriya ng pangingisda.

Una rito, inilabas ng DA ang Administrative Order 01 of 2022 kung saan papayagan ang banyagang mga mangingisda na magpasok ng ‘pelagic fishes’ o huli mula sa ‘open water’.

Ikinakatwiran ng DA na ang hakbang ay para maibsan ang napipintong kakulangan ng produkto sa unang tatlong buwan ng 2022, na papalo sa 119,000 metro tonelada.

Ayon sa DA, kikita ang gobyerno ng P30 milyon dahil bawat importer ay bibili ng isang metro tonelada sa presyong P500. Kailangan ding ibenta ang isda ng bulto -- P90 kada kilo sa mga lugar na itatakda ng ahensya para mabantayan ang presyuhan.

Iginiit pa ng DA, kulang ang suplay ng isda dahil sa pananalasa ng bagyong Odette noong Disyembre 2021 at kailangang umangkat upang maiwasan ang pagtaas ng presyo.

Nauna nang sinabi ng National Fisheries and Aquatic Resources Ma­nagement Council na sapat ang suplay ng isda.— Gemma Garcia

vuukle comment

DA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with