^

Bansa

P1 bilyong ayuda sa workers, nakahanda na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P1 bilyong ayuda sa workers, nakahanda na
Residents of Batasan in Quezon City receive cash aid at Quezon City Polytechnic Univesity from the government's social amelioration package on Aug. 12, 2021.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Aabot sa 200,000 manggagawa sa pormal na sektor ang mabibiyayaan sa ilalabas na P1 bilyong halaga ng ayuda ngayong katapusan ng Enero, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Tatanggap ng tig-P5,000 ang bawat manggagawa na naapektuhan ng ekstensyon ng Alert Level 3.

Sinabi ni Labor Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay na tinatapos na ang panuntunan sa pamamahagi ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).

Karamihan umano sa mga naapektuhan at makakatanggap ng ikatlong tranche ng ayuda ang mga nagtatrabaho sa sektor ng turismo, entertainment at pagkain.

“Instead na bumangon, na-put-on-hold na naman at ngayon ay na-extend tayo hanggang end of the month ang ating alert level 3 at nag-expand pa ‘yong areas covered by alert level 3. So kailangan ‘yong assistance ng ating mga kababayan,” ayon sa opisyal.

Sa monitoring ng DOLE mula Enero 1-6, nasa 3,284 manggagawa sa 267 establisimyento ang nawalan ng trabaho dahil sa permanenteng pagsasara.

May 5,762 naman ang binabaan ng suweldo dahil sa pagpapatupad ng ‘flexible working hours’. Karamihan sa kanila ay sa National Capital Region habang ang iba ay sa Region III at IV-A.

“May iba na kahit Alert Level 3 mas gugustuhin nila na magsara temporarily dahil mas malaki ang gastos nila kaysa sa kikitain po nila,” paliwanag pa ni Tutay.

Ang mga aplikasyon para sa cash assistance ay maaaring gawin sa pamamagitan ng online ng apektadong kumpanya o indibiduwal na manggagawa.

vuukle comment

AYUDA

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with