^

Bansa

Isko handang isama si Duterte sa kanyang senatorial ticket

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Isko handang isama si Duterte sa kanyang senatorial ticket
Manila Mayor Isko Moreno at Pangulong Rodrigo Duterte.
The STAR / Joven Cagande, Presidential Photo / King Rodriguez

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng interes si Aksyon Demokratiko presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno na isama sa kaniyang senatorial ticket si Pangulong Rodrigo Duterte na una nang nagsumite ng kaniyang ‘certificate of candidacy’ para sa puwesto sa Senado.

Sinabi pa ni Moreno na personal niyang iboboto si Duterte dahil sa kuwalipikado naman siya na maupo bilang senador matapos ang kaniyang termino bilang Pangulo.

“I will personally vote for President Duterte for senator. And I will be grateful, honored and humbled to have somebody like the president in our slate as an additional candidate for senator. And I think he is very much capable of doing the job as a legislator,” pahayag ni Moreno.

Inihalintulad ni Moreno si Duterte sa isang “orphan” o ulila makaraang ihayag ni Sen. Bong Go ang kaniyang pag-atras sa pampa­nguluhang halalan. Ito ay sa kabila na hindi pa pormal na iniaatras ni Go sa Commission on Elections ang kaniyang kandidatura.

“Kung dati, sinasabi kong tatlo lang ang senador ko kaya siyam na lang ang proproblemahin niyo, ngayon ang sasabihin ko, walo na lang ang pag-iisipan niyo dahil may pang-apat na kong kandidato, si Pangulong Duterte,” ayon pa kay Moreno.

Kaya umano kursunada niyang lumahok sa kaniyang tiket si Duterte ay dahil sa kaniyang mga nagawa sa bansa tulad ng “Build, Build, Build program” na lumikha ng mga trabaho ngayong pandemya.

“Ayoko namang pa­ngunahan ang Pangulo. Malaya naman siyang makapamili kung saan niya gustong sumama. Pero it is definitely an honor for me if the president will accept my invitation for him to be an adopted senatorial candidate of Aksyon Demokratiko,” dagdag pa ng alkalde.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with