^

Bansa

Omicron wala pa sa Pinas - DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Omicron wala pa sa Pinas - DOH
This undated National Institute of Allergy and Infectious Diseases, NIH handout photo obtained August 1, 2021, shows a transmission electron color-enhanced micrograph of SARS-CoV-2 virus particles, isolated from a patient.
Handout / National Institutes of Health / National Institute of Allergy and Infectious Diseases / AFP

MANILA, Philippines — Wala pang indikasyon na nakapasok na sa Pilipinas ang Omicron va­riant, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Sabado.

Sa isang public briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pa namang lugar sa bansa na nakararanas ng biglaang pagtaas ng mga bagong COVID-19 cases, na maa­ring masabing may kaso na ng nasabing variant.

“If you see in the other countries, nagpuputukan ‘yung mga kaso nila, big­lang tumataas ’yung numero. Dito naman po sa ating bansa ay hindi pa natin nakikita. So sa tingin ko po sa ngayon hindi pa ho nakakapasok ang variant na ito sa atin,” ani Vergerei.

Patuloy lang aniya ang monitoring sa 253 indibi­duwal na nagmula sa South Africa, at sa tatlo pang pasahero na nanggaling sa tatlong African countries na nakapasok sa bansa bago pa mailagay sa red list ng Pilipinas.

Pinawi rin ni Vergeire ang pangamba ng publiko sa pagsasabing hindi pa kailangang mag-panic at sa halip ay sumunod sa health protocols.

“Yes, this variant has a lot of mutations na kailangan po cautious tayo,” aniya pa.

Ayon naman kay PGC Executive Director Cynthia Saloma, sa ngayon ay wala pang nakikitang Omicron mula sa 18,000 samples pero patuloy pa rin nilang isinasailalim sa pagsusuri ang mga sample ng Nob­yembre.

Ipinaliwanag ni Saloma na hindi nawawala ang posibilidad na may Omicron variant na sa bansa pero hangga’t wala silang nakikita sa pagsusuri ay hindi ito maaaring makumpirma.

Umaasa ang DOH na patuloy sa pagbagsak ang bilang ng bagong COVID-19 cases sa bansa hanggang sa katapusan ng buwang ito.

Noong Biyernes, nakapagtala lang ng 544 bagong kaso ng COVID-19 infections, ang ikatlong pinakamababa ngayong taon.

Sa kabila naman ng naging pahayag DILG na maari nang magdaos ng Chistmas party subalit sa limitadong kapasidad na pinapayagan sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 2, payo ni Vergeire na gawin lang muna ang virtual parties matapos maiulat na 13 ang nahawaan ng Omicron variant matapos dumalo sa party sa Norway. — Malou Escudero

vuukle comment

OMICRON VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with