^

Bansa

Border higpitan, quarantine pahabain vs Omicron - OCTA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Border higpitan, quarantine pahabain vs Omicron - OCTA
Sa ngayon ay may travel ban ang Pilipinas sa 14 bansa dahil sa banta ng Omicron variant, kabilang na ang South Africa na sinasabing pinagmulan ng virus.
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hinikayat ng OCTA Research Team ang pamahalaan na ipatupad ang matinding paghihigpit sa mga border ng Pilipinas at pagpapatupad ng mas mahabang quarantine bilang hakbangin sa banta ng Omicron variant.

Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, bagama’t hindi pa natitiyak ang posibleng pagpasok ng naturang virus sa bansa ay mas mainam na maagap ang pamahalaan upang makaiwas sa bagong va­riant.

Sa ngayon ay may travel ban ang Pilipinas sa 14 bansa dahil sa banta ng Omicron variant, kabilang na ang South Africa na sinasabing pinagmulan ng virus.

“Naiintindihan natin ang pangamba ng mga kababayan natin kasi ngayon ang ganda na ng kalaga­yan ng Pilipinas, ito na ang pinakamaganda since June pa last year nung nagsisi­mula pa lang ‘yung first surge natin,” sabi pa ni David.

Bagama’t patuloy anya ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa kabilang ang positivity rate, sa gitna ng paglawak ng pagbabakuna pero nababahala  si David dahil maraming mag-uuwiang OFW mula sa ibang bansa.

“Kung ’di natin maga­gawa ang travel ban, baka pwedeng mas mahigpit na lang ang quarantine natin especially sa mga unvaccinated. Dapat talaga buo ‘yung 10 to 14 days pag unvaccinated,” dagdag ni David.

Sa ngayon ay may 38 bansa ang may kaso ng Omicron.

vuukle comment

OMICRON VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with