Booster shot sa 18-anyos pataas ikinakasa
MANILA, Philippines — Napipinto na ring bigyan ng booster shot ang mga Pilipino na 18-anyos pataas at naghahanda na ang Department of Health (DOH) para rito.
Kasunod na rin ito ng banta na makapasok sa bansa ang bagong variant ng COVID-19 na Omicron, ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje.
Sinabi ni Cabotaje, chairperson ng National Vacccination Operation Center (NVOC), na naaprubahan na ang emergency use authorization (EUA) para dito at hinihintay na lamang ang pinal na panuntunan.
“The EUA has been approved, we will just finalize the guidelines,” pahayag pa ni Cabotaje, sa isang televised public briefing.
“In the next couple of days, we will have the boosters for all the 18 years old and above,” dagdag niya.
Kamakailan ay sinimulan na ng Pilipinas ang pagbibigay ng booster shots para sa health workers, matatanda at mga immunocompromised individuals.
Kabilang sa mga bakuna na pinapayagan para magamit sa booster shots ay ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac at Sputnik Light.
- Latest