^

Bansa

Pagmamahal sa bayan ni Bonifacio, gayahin - Mayor Isko

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagmamahal sa bayan ni Bonifacio, gayahin - Mayor Isko
Si Manila Mayor Isko Moreno habang nagbibigay ng mensahe sa monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Lawton, Manila sa paggunita kahapon ng ika-158 birth anniversary ni Bonifacio.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hinikayat kahapon ni Manila City Mayor Isko Moreno ang publiko na gayahin ang pagmamahal sa bayan ng bayaning si Andres Bonifacio sa kabila ng pagdagsa ng mga dayuhan sa bansa.

Sa kaniyang talumpati sa ika-158 anibersaryo ng kapanganakan ni Bonifacio kahapon, iginiit ni Moreno na pag-aaari ng mga Pilipino ang Pilipinas kahit na tinatanggap ang mga dayuhan ngayon na manatili at maglagak ng negosyo sa bansa.

“Mahalin natin ang ating bansa. Walang magmamahal dito ng tunay, ng lubos, kung hindi tayo ring mga kapwa Filipino. Hindi po sila ang may-ari ng bansa, tayong mga Filipino,” ayon kay Moreno.

Sinabi ni Moreno na ang pagiging makabayan ni Bonifacio ang naging daan para mamulat ang isipan at puso ng mga Filipino at nagresulta kung nasaan na ang bansa ngayon na malaya sa pana­nakop ng mga dayuhan.

Sa kasalukuyang panahon, kailangan umano na magkaisa ngayon ang mga Pilipino dahil sa iisang dugo lamang ang nananalaytay sa atin.

“Wag tayong mag-away-away. Maaari tayong magdiskursyo, kani-kaniyang idea, kanya-kanyang opinion, but at the end of the day, we must come together as one nation. Filipino ang umaagos na dugo sa bawat ugat natin, wala ng iba kaya ipamahagi niyo, ikalat niyo ang pagmamahal sa ating kapwa, ang pagmamahal sa ating bansa,” paliwanag ni Moreno.

Iginiit niya sa taumba­yan na hindi dapat kalimutan ang nangyari sa nakaraan at dapat may makuhang aral ukol dito upang hindi na maulit pa ang mga kamaliang naganap noon.

Pinurin rin niya ang mga medical frontliners, na tinukoy niya na makabagong mga bayani, dahil sa kanilang sakripisyo nga­yong pandemya.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with