^

Bansa

Nandadaya sa bakuna, walang tulong sa gobyerno ‘pag naospital

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Nandadaya sa bakuna, walang tulong sa gobyerno �pag naospital
A nurse fills a syringe with the Pfizer-BioNtech coronavirus disease (Covid-19) vaccine on Jan. 4, 2020 at the Antonin Balmes gerontology center in Montpellier in the south of France.
AFP/Pascal Guyot

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan kahapon ni National Task Force Against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa ang publiko na walang nakalaan na ‘indemnity fund’ para sa labis ang bilang ng pagpapabakuna kontra COVID-19 lalo na iyong mga nandadaya.

Sinabi ni Herbosa na may mga ulat na ilang in­dibiduwal ang nakakakuha ng dagdag na dose ng bakuna ng kulang pa sa anim na buwan matapos ang pagtanggap ng kanilang ikalawang dose.

“Nakakatanggap tayo ng reports na ‘yan. Ang malungkot, natatanggap namin hindi sa vaccination center. Natatanggap namin sa mga indibiduwal na nagawa ‘yan. Ibig sabihin naisahan nila ang sistema. Nakapagbakuna sila by declaring na unvaccinated sila,” ayon kay Herbosa habang ’yung iba umano ay wala pang anim na buwan nagpapabakuna na ng booster shot.

Sa kasalukuyan, bini­bigyan ngayon ng booster shot ang mga senior citizens, health workers at mga taong may comorbidities.

“Kapag naospital sila at namatay sila, may nakalaan tayong indemnity para sa mga kababayan natin.... Pero kapag ikaw ay kumuha ng tatlo o apat na bakuna, denied na ‘yun claim na ‘yun, wala,” babala ni Herbosa.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with