^

Bansa

Bakunadong seniors ­pinapayagan sa Metro Manila malls

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Bakunadong seniors ­pinapayagan sa Metro Manila malls
Ginawa ni Presidential spokesperson Harry Roque ang paglilinaw dahil may mga mall operators na hindi pa rin nagpapapasok ng mga senior citizens o 60 taong gulang pataas kahit kumpleto na ang bakuna.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Malacañang na hindi binabawi ang incentive sa mga bakunadong senior citizens sa national capital region na nasa Alert Level 3 na maaari silang lumabas at magtungo sa mga malls.

Ginawa ni Presidential spokesperson Harry Roque ang paglilinaw dahil may mga mall operators na hindi pa rin nagpapapasok ng mga senior citizens o 60 taong gulang pataas kahit kumpleto na ang bakuna.

Ayon kay Roque, ang mga bata ang hindi pa pinapayagan dahil hindi pa kumpleto ang kanilang bakuna.

Halos lahat ng mga negosyong pinapayagan sa Alert Level 3 ay maaaring pumasok ang mga kumpleto na ang bakuna pero limitado sa 30% na kapasidad.

Nasa halos 17 milyon doses na o 16,975,433 total doses ang naiturok na bakuna sa Metro Manila.

Sa nasabing bilang 92.85% ang nakatanggap ng first dose o katumbas ng 9,077,651 habang 80.78% ang fully vaccinated o katumbas ng 7,897,782.

vuukle comment

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with