^

Bansa

‘Hintayin n’yo ang October 8’– Bong Go

Pilipino Star Ngayon

Maghahain na ng kandidatura sa pagkapangulo?

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na maghintay lamang ang sambayanang Filipino hanggang Oktubre 8--ang huling araw ng paghahain ng kandidatura para sa halalang 2022--kung ano ang magiging desisyon ng mga Duterte at ng magiging kapalaran niya sa pulitika.

Ginawa ni Go ang pahayag matapos ang ambush interview sa kanya nang personal niyang bisitahin ang mga medical frontliners sa Cotabato Regional and Medical Center, Cotabato City noong Biyernes.

Muli siyang kinulit ng media at tinanong kung itutuloy pa rin ba niya ang pagtutulak sa kanya ng ruling party PDP-Laban bilang manok nito sa 2022 presidential elections.

Sinabi ni Go sa mga mamamahayag na hintayin ang filing of candidacy hanggang sa October 8 sa magiging pinal na desisyon ng Dutertes at ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan.

“So, hindi pa rin nagbabago ang isip ko, hindi pa rin po ako interesado. Pero antayin na lang po natin ‘yung October 8 kung ano po ‘yung pinal na magiging desisyon ng mga Dutertes at ano po ‘yung magiging plano ng partido,” ani Go.

Ayon kay Go, nananatili sa kanyang sinabi na susuportahan ang kandidato na makakapagpatuloy ng nasimulan ni President Duterte na makapagbibi­gay ng komportableng buhay sa mga Filipino.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with