^

Bansa

Mga naghahabol sa voter’s registration nasa 200K na lang - Comelec

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga naghahabol sa voter�s registration nasa 200K na lang - Comelec
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, lumagpas na sila sa target nilang apat na milyong botante at nasa higit limang mil­yon na ang kanilang naparehistro mula nang um­pisahan nila ang ‘voter’s registration’ noong nakaraang taon.
The STAR/Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Mas mababa na sa 200,000 indibidwal ang naghahabol para makapagparehistro sa Commission on Elections (Comelec) habang nalalapit ang palugit nito sa Setyembre 30.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, lumagpas na sila sa target nilang apat na milyong botante at nasa higit limang mil­yon na ang kanilang naparehistro mula nang um­pisahan nila ang ‘voter’s registration’ noong nakaraang taon.

“’Yung ngayon mga humahabol na lang, a lot of them probably are not interested in registering before. Less than 200K pa ang hindi nagpaparehistro,” ayon kay Jimenez.

Sinabi niya na magsasagawa ng pulong ang management committee ng Comelec para desisyunan na ang hiling na palawigin ang voter’s registration.

Kasama sa pag-uusapan ang posibleng epekto nito sa preparasyon nila para sa May 2022 Elections.

“By considering voter registration at this late date, the Comelec is effectively playing with fire. But this is a challenge we are willing to undertake,” ayon kay Jimenez.

Sa ulat ng napakahabang mga pila naman sa mga registration centers, inamin ni Jimenez na nangyayari ito ngunit sa mga ‘urban areas’ lamang habang normal ang daloy sa ibang mga registration centers sa bansa.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with