^

Bansa

‘Cash Agad’ inilunsad ng BDO

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May dumating na sweldo, remittance, o ayuda sa iyong ATM Card? Mas madali, mabilis at malapit na lang mag-withdraw sa ‘Cash Agad’, lalo na sa mga probinsiya o munisipalidad na walang bangko o malapit na Automated Teller Machines (ATMs).

Ang ‘Cash Agad’ ay tugon ng BDO para sa pagsulong ng financial inclusion sa bansa. Ito ay isang banking solution kung saan ay maaaring mag-withdraw ng cash o mag-balance inquiry via point-of-sale (POS) machines ang kahit sinumang may locally-issued debit o prepaid card. Ang mga POS machines na ito ay matatagpuan sa mga ‘’Cash Agad’ partner agents na micro, small, and medium enterprises (MSMEs) tulad ng sari-sari stores, bakeries, groceries, hardware stores at iba pang establishments na matatagpuan sa komunidad.

Sa pamamagitan ng Cash Agad, hindi na kailangang bumiyahe pa nang malayo o gumastos nang malaki para sa pamasahe ang mga cardholder para lang makapag-withdraw ng kailangan nilang pera.

Sa ngayon, mayroon nang over 9,500 partner agents and ‘Cash Agad’ sa mahigit 1,400 municipalities nationwide. Bukod sa pagbibigay ng serbisyo sa mga cardholders sa komunidad, natutulungan din ng ‘Cash Agad’ ang mga MSMEs na magkaroon ng extra income.

Para sa mga business owners na gusto maging ‘Cash Agad’ partner agent, kailangan lamang ay may BDO or BDO Network Bank account at business permit. Maaaring i-submit ang application sa https://www.bdo.com.ph/cash-agad-application.

vuukle comment

ATM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with