‘Online Kopyahan’ iniimbestigahan na ng PNP
MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa Anti-Cybercrime Group (ACG) ang report ng Department of Education (DepEd) sa umano’y pangongopya ng sagot ‘online’ ng mga estudyante sa kabila ng ipinatutupad na distance learning scheme.
Ayon kay Eleazar, base sa report, may grupo sa Facebook ang ilang estudyante at nagkokopyahan ng kanilang mga sagot sa exam at sinasaman- tala ang online classes.
Ikinabahala ni DepEd Sec. Leonor Briones ang report ng dayaan kaya humingi na ito ng tulong sa PNP upang alamin ang grupo na responsable dito.
Giit naman ni Eleazar, dapat ay binabantayan at ginagabayan pa rin ng mga magulang ang kanilang mga anak upang mapanatili ang tamang edukasyon.
Mensahe ni Eleazar sa mga magulang, hindi pabilisan at patalinuhan ang tunay na intensyon ng edukasyon, kailangan na matuto ang mga estudyante sa matapat na paraan.
- Latest