^

Bansa

Yellow marking sa bahay ng may COVID-19 paglabag sa karapatang pantao - CHR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Yellow marking sa bahay ng may COVID-19 paglabag sa karapatang pantao - CHR
Residents in a compound in Brgy. Pinyahan, Quezon City which was placed under special concern lockdown due to COVID-19 cases receive food aid on Sept. 15, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Isang uri ng paglabag sa karapatang pantao ng bawat Pilipino kung lalagyan ng yellow marking ang mga bahay ng mga may COVID-19.

Ito ang binigyang diin ng Commission on Human Rights (CHR) kasunod nang ginagawang hakbang ng ilang lokal na pamahalaan hinggil sa pagpapatupad ng granular lockdown sa kanilang nasasakupang lugar na may hawahan ng virus.

Ayon kay CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana, hindi na dapat lagyan ng marking ang isang bahay dahil nagdudulot lamang ito ng diskriminasyon sa komunidad.

Anya, wala itong ipinagkaiba sa inilalagay na yellow marking sa mga bahay ng pinaghihinalaang drug pusher sa ilalim ng war on drugs ng pamahalaan.

Imbes na lagyan ng yellow markings, ipinayo ng CHR ang mahigpit na pagmonitor ng barangay at mga lokal na pamahalaan sa mga pamilya na nailagay sa granular lockdown tuloy bigyan ng kaukulang ayuda para matulungang gumaling sa sakit.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with