Tamang Edad sa Pagbibigay ng Allowance

Sa pagbibigay ng al­lo­wance sa anak, karamihan nagbibigay ang magulang sa edad na eight years old na mga bata, pero sinasabi ng mga experts na mali ito.

Nirerekomenda na sa murang edad na 5 years old o nagsisimula na ito sa kindergarten. Puwede rin kapag nag-uumpisa na itong matutong magbilang ng pera.

Sa ganitong paraan ay unti-unting natutunan ng anak ang pag-save o paggastos ng pera na nagiging bahagi sa paglaki ng bata.

Inaakala ng iba na bibigyan lang ng allowance ang anak kapag nasa Grade V o saka kung nasa high school na ang bata.

Mas maagang matutunan ng anak ang patungkol sa kahalagahan ng pera, pagtitipid, pag-budget, at pag-stick sa kanyang budget; tiyak na magiging bahagi ito ng buhay ng anak.

Show comments