Maliit nga ba o malaki nga ba?

Aminin ninyo mga kuya, lagi ninyong sinusukat  ang inyong penis?

At minsan ay ikinukumpara pa ninyo ang inyong kargada sa kargada ng iba.

Lagi ninyong tinitingnan kung malaki nga ba ang inyong kargada o maliit nga ba talaga ito.

Maraming mga lalaki na may everage penis size ay hindi naman talaga maliit.

Ang sukat ng inyong kargada ay depende sa anggulong tinitingnan ninyo ito.

Natural lang na kapag tinitingnan ninyo ito ng patungo, mukha talaga siyang maliit.

Siyempre kapag tinitingnan mo ang penis ng ibang lalaki ng full view, mukhang malaki talaga ang tingin ninyo.

Ang mga lalaking laging naliliitan sa kanilang kargada kahit hindi naman kaliitan ay may psychological condition na tinatawag penile dysmorphic disorder.

Hindi naman ito seryosong kondisyon tulad ng pagiging anorexic na sa tingin nila ay mataba sila kahit sobrang payat na nila.

Show comments