^

Pang Movies

Jane biglang nakilala

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Jane biglang nakilala

Lumalaban sa paramihan ng likes sa social media ang next Darna na si Jane de Leon. Sa kanyang latest post sa IG ay idinispley ni Jane ang kanyang makinis na kutis. “The strongest action of a woman is to love herself, be herself and shine amongst those who never believed she could,” caption pa nito.

Simula nang i-announce ang kanyang pagbibida sa Darna ay lumobo na ang followers ng young actress na ngayon ay 1.4 million na.

Birthday ni Tessa Mauricio masaya ang naging selebrasyon

Ang saya-saya ng birthday celebration ng lifestyle and entertainment editor ng isang broadsheet na si Tessa Mauricio na ginanap sa Child Haus ni Mother Ricky Reyes. Maraming entertainment press na taga-SPEED ay dumating.

Ang ilang press hindi na nagawang kumain dahil may mga presscon pang pupuntahan.

Anyway, masaya ang lahat lalo na si Tessa. Happy Birthday beautiful girl!

Sen. Manny tatakbong presidente?!

May naaamoy ako, parang si Senator Manny Pacquiao will run for President.

Why not? Makatao, maka-Diyos at matulungin naman siya sa kapwa. Ang pagiging malapit ni Manny sa Diyos ay isa sa mga nagustuhan ng tao sa kanya at pati na rin ako bilib talaga sa kanya.

Sana raw ay pasyalan naman ni Sen. Manny ang Child Haus, marami ang mga may sakit na gustong maambunan ng kanyang mga biyaya.

Personal…

Sa Child Haus ni Mother Ricky Reyes, araw-araw ay may events na ginaganap. Kung minsan ay two to three times a day pa nga.

Ang mga kind hearted person, parang sponsor baga, bring sila ng mga food, canned goods, ukay-ukay, toys etc.

Bilang isa sa pasyente ng PGH dito ako sa Child Haus nanunuluyan para less gastos lalo sa pasahe. Ganundin ang ibang mga nasa Child Haus mula sa malalayong probinsiya. Mga purita mirasol (read : poor), sana raw ay bukod sa mga pagkain at laruan, meron ding tulong pampinansyal para makabili ang iba ng mga gamot. Yun lang po!

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with