Thea naglabas ng ipon para sa debut
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2014 - 12:00am

Mag-turn 18 years old na nga ang Protégé winner ng GMA-7 na si Thea Tolentino on August 13 at abala nga siya sa pag-asikaso ng kanyang debut na magaganap sa kanyang hometown sa Calamba, Laguna.

Ang gagawa nga ng kanyang debutante gown ay ang kilalang Pinoy Superman na si Herbert Chavez.

Butterfly theme nga raw ang debut ni Thea at ang mga kulay ng kanyang party ay pink and lavender.

Naglabas nga si Thea ng sarili niyang ipon para sa kanyang debut at tinulungan naman daw siya sa gastos ng kanyang mga sponsors.

Ang daddy daw niya ang siyang magiging escort sa kanyang debut. Ito rin daw ang magiging first dance niya.

 “Wala naman po kasi akong boyfriend pa. Kaya tama lang na si daddy ang maging escort ko.”

Marami nga ang pumupuri kay Thea sa pagiging kontrabida niya kay Barbie Forteza sa teleserye nilang The Half Sisters. Bumagay daw sa kanya ang role kaya naman kina-career daw niya ito ngayon.

Migs magaling na asintado

Pinuri sa dalawang pelikula niya sa 10th Cinemalaya Independent Film Festival ang Kapuso child actor na si Miggs Cuaderno.

Nasa pelikula siyang Asintado na dinirek ni Louie Ignacio at Children’s Show na dinirek ni Derick Cabrido.

Magkaiba ang roles ni Miggs sa dalawang indie movies kaya marami ang bumilib sa husay nitong umarte.

Sa Asintado ay gumanap siyang autistic na anak ni Aiko Melendez na mahusay mag-asita gamit ang kanyang tirador. Sa Children’s Show naman ay isa siya sa mga batang sumasali sa isang underground street fighting.

Kung sakaling papipiliin daw si Miggs kung saan niya gustong manalo ng award sa dalawang indie films na kasama siya, wala raw siyang pipiliin dahil pareho raw mahirap ang pag-arteng ginawa niya,

Suki na nga ng mga indie si Miggs. Lumabas na siya sa critically-acclaimed indie films na Quick Change, Bamboo Flowers, Ang Katiwala, at Purok 7.

Si Direk Maryo J. Delos Reyes ang manager/mentor ni Miggs pagkatapos niyang ma-discover ito na umaarte sa isang stageplay ng PETA.

Kasalukuyan ngang nasa series na My BFF si Miggs.

AIKO MELENDEZ ANG KATIWALA BAMBOO FLOWERS BARBIE FORTEZA CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL DELOS REYES DERICK CABRIDO KANYANG THEA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with