Boatwright at home sa Gilas

Si Bennie Boatwright kasama si coach Tim Cone sa Gilas practice.

MANILA, Philippines — Ilang araw pa lamang ito sa team pero at home na at home na si natura­lized player Bennie Boatwright sa Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Seremban, Malaysia.

Lunes lang dumating si Boatwright sa Malaysia para makasama ang Gilas Pilipinas.

Sa unang salang pa lang nito sa ensayo, ramdam na agad ni Boatwright ang chemistry sa kanyang teammates.

“Ever since I’ve been here, it’s been all love and everybody’s been welco­ming,” ani Boatwright.

Matagal tagal din ang prosesong pinagdaanan ni Boatwright kung saan makailang beses na sana itong maglalaro para sa Gilas Pilipinas sa mga nakalipas na international tournaments.

“It has been a long process to finally get here,” ani Boatwright.

Sanay na si Boatwright sa Pinoy hospitality dahil naglaro na ito bilang import sa PBA.

Isa sa mga muli nitong nakasama si CJ Perez na teammate nito sa San Miguel Beer.

Excited na si Boatwright na katawanin ang Pilipinas sa international stage.

“I’m just excited to represent the Philippines, pla­ying Gilas. So I’m looking forward to these games coming up,” ani Boatwright.

Noong Oktubre lamang nakuha ni Boatwright ang Philippine passport dahilan para hindi ito makalaro sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.

“We had to go to the Senate a couple of times to try and finalize the process. Luckily, I was able to go to the Embassy in China to finalize it. So I’m glad we got that done,” ani Boatwright.

Unang laro ni Boatwright ang tuneup game ng Gilas Pilipinas laban sa KL Hornbills na isang Malaysian na naglalaro sa Major Basketball League (MBL).

Aminado si Boatwright na inaaral pa nito ang sistema ng Gilas Pilipinas.

Sa tulong ng kanyang teammates, sinabi ni Boatwright na mas magiging madali ito para sa kanya.

Show comments