Dumaan naman siguro sa trial.
Pero kahit wala masyadong details na lumabas, may hatol ang PBA.
Suspended for the rest of the Governors’ Cup ang isang referee dahil sa mga kaduda-dudang tawag.
Sa best-of-five quarterfinal ng Ginebra at San Miguel pumito ang nasabing referee na dehins pinangalanan ni commissioner Willie Marcial.
Sa final 20 seconds ng Game 4 na pinanalo ng SMB para itabla ang serye sa 2-2 dumating ang crucial call.
Imbes na travelling sa SMB import, foul kay Scottie Thompson ang tawag. Travelling dapat.
At sa winner-take-all Game 5, umalma ang SMB officials dahil sa discrepancy sa fouls.
Mantakin mo, sa buong game, walong free throws lang ang awarded sa SMB at 30 sa Ginebra.
Pinasok ng Ginebra ang 27 of 30 free throws at ang SMB, seven of eight. Sa total fouls, 25 sa SMB, at 14 lang sa Ginebra.
Sa buong game, tatlong SMB players lang ang nakaapak sa free throw line. Nanalo ang Ginebra at sokpa sa semis.
Suspended si referee na malamang eh involved in most plays.
Guilty!