Reyes masaya sa Gilas program ni Cone

MANILA, Philippines — Masaya si dating Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na tuluy-tuloy ang programa ng tropa sa ilalim ng paggabay ni veteran mentor Tim Cone.

Hindi naman na bago si Cone sa sistema ng Gilas Pilipinas.

Kasama ito sa coaching staff ni Reyes nang sumabak ang Pinoy cagers sa Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia at sa FIBA World Cup sa Manila noong nakaraang taon.

Nagbitiw na si Reyes bilang head coach ng Gilas Pilipinas.

Ngunit tuloy pa rin ang kumunikasyon nito kay Cone na madalas nitong nakakausap.

“Tim and I are always talking. He was just here in my house a couple weeks back,” ani Reyes.

Kasalukuyang pinag­ha­handaan ng Gilas Pilipinas ang pagsabak sa Olympic qualifying tournament na gaganapin sa Riga, Latvia sa Hulyo.

Magkatulad ang ilan sa mga puntos na nais nina Reyes at Cone partikular na sa pagbuo ng team.

“You can see that even in the choice of the players, all of the players in Tim’s team right now were all in our team before whether it’s the Southeast Asian  Games, the World Cup team, whatever. It’s very clear in Tim’s mind, he’s continuing the program,” ani Reyes.

Masaya si Reyes sa pagpapatakbo ni Cone ng Gilas Pilipinas.

Isa sa tagumpay ni Cone ang pagkopo ng gintong medalya sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Muling masusubukan si Cone sa 2024 Olympic Qualifying Tournament kung saan makakalaban ng Gilas Pilipinas ang host country Latvia at Georgia.

Show comments