Tolentino isinalba ang Batang Pier

Winakasan ng Batang Pier ang kanilang five-game losing slump para ita­as ang baraha sa 5-6 at makasilip ng pag-asa sa quarterfinal round.
PBA Image

MANILA, Philippines — Isinalpak ni Arvin Tolentino ang isang game-winning jumper para itakas ang NorthPort kontra sa Blackwater, 115-113, sa Season 48 PBA Philippine Cup kahapon sa Caloocan Sports Complex.

Winakasan ng Batang Pier ang kanilang five-game losing slump para ita­as ang baraha sa 5-6 at makasilip ng pag-asa sa quarterfinal round.

Tumapos si Tolentino na may 27 points.

Bagsak ang Bossing sa ikaanim na dikit na kamalasan para sa 3-6 kartada.

Ang jumper ni Tolentino sa huling pitong segundo ang nagbigay sa NorthPort ng 115-113 abante, habang kapos ang inihagis na three-point attempt ni Rey Nambatac sa huling po­sesyon ng Blackwater.

Nauna nang nagpos­te ang Batang Pier ng 19-point lead, 84-65, sa 5:28 minuto ng third period.

Ngunit hindi sumuko ang Bossing at nakatabla sa 94-94 galing sa turnaround jumper ni Troy Ro­sa­rio sa 7:37 minuto ng fourth quarter.

Tuluyan nang naagaw ng Blackwater ang unahan sa 113-107 sa huling 1:44 minuto ng laro.

Dinala naman ni Tolen­tino ang NorthPort sa sa­riling dalawang sunod na drive at dalawang free throws para itabla ang laro sa 113-113.

Show comments