Scorpions lusot sa Red Lions

Inilista ng Scorpions ang ikatlo nilang panalo sa apat na laro kagaya ng baraha ng Red Lions.
PBA Image

MANILA, Philippines — Tinakasan ng Centro Escolar University ang Ma­rinerong Pilipino-San Beda, 72-63, para sa tsansa sa outright semifinals seat sa PBA D-League Aspirants’ Cup kamakalawa ng gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Inilista ng Scorpions ang ikatlo nilang panalo sa apat na laro kagaya ng baraha ng Red Lions.

Humakot si Abdul-Wahab Olusesi ng 16 points at 15 rebounds para sa CEU habang may 15 at 12 mar­kers sina Franz Ray Diaz at Jerome Santos, ayon sa pagkakasunod.

Maaari nang umabante ang Scorpions sa semifinals kung tatalunin ang CCI-Yengskivel ngayong alas-5:30 ng hapon sa pagtatapos ng elimination round.

Sa unang laro sa alas-4 ng hapon ay haharapin ng Go Torakku-St. Clare (1-3) ang Keanzel Basketball (1-3) at sasagupain ng nagdedepensang EcoOil-La Salle (4-0) ang Marinerong Pilipino-San Beda sa alas-7:30 ng gabi.

Show comments