Sabonis inilista ang pangalan sa NBA history

Sinalakay ni Domantas Sabonis ng Sacramento Kings ang depensa ng Philadelphia 76ers.

SACRAMENTO, Calif. — Ipinoste ni big man Do­­mantas Sabonis ang kan­yang NBA-leading 25th triple-double sa season sa paggiya sa Kings sa 108-96 pagpapa­tumba sa Philadelphia 76ers.

Tumapos si Sabonis na may 11 points, 13 rebounds at 10 assists para maging pang-limang player sa NBA histo­ry na nagtala ng higit sa 25 triple-doubles sa isang season.

Nakasama niya sa lista­han sina Nikola Jokic, Russell Westbrook, Wilt Chamberlain at Oscar Robertson.

Inilista rin ni Sabonis ang kanyang ika-54 sunod na double-double at na­ka­ungos kay Kevin Love para sa longest streak.

Umiskor sina Keegan Murray at De’Aaron Fox ng tig-23 points para sa Sac­ra­mento (42-29) na tina­pos ang 10-game losing skid laban sa Philadelphia (39-33).

Tumabla ang Kings sa Dallas Mavericks sa sixth place sa Western Confe­rence playoffs.

Humataw si Tyrese Ma­xey ng 29 points para sa Sixers na nahulog sa eighth place sa Eastern Conference.

Sa Salt Lake City, nagsumite si Luka Doncic ng triple-double na 29 points, 13 assists at 12 rebounds para sa 115-105 panalo ng Mave­ricks (42-29) sa Utah Jazz (29-43).

Sa Denver, humakot si Nikola Jokic ng 29 points, 11 rebounds at 8 assists sa 128-103 pagpapabagsak ng nagdedepensang Nuggets (51-21) sa Memphis Grizzlies (24-48).

Sa Houston, tumipa si Fil-American Jalen Green ng 27 points sa 110-92 paggupo ng Rockets (36-35) sa Portland Trail Blazers (19-53).

Show comments