Centeno swak sa Last 16

Chezka Centeno.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tumumbok si reigning WPA World Ten-Ball wo­men’s champion Chezka Centeno ng dala­wang sunod na mahalagang panalo pa­pasok sa Last 16 ng Pre­dator Pro Billiard Series Women’s Showdown event sa Rio All-Suite Hotel and Casino sa Las Vegas.

Kahapon ay tinalo ng 24-anyos na si Centeno si Emilyn Callado, 2-0, sa winner round 1 at saka pinayuko si Austrian pool player Jasmin Ouschan, 2-1, sa winners qualification.

Hindi pa alam kung sino ang susunod na makakalaban ni Centeno sa Last 16 at ang sigurado lang ay lumakas ang asam niyang masungkit ang korona sa $60,000 prize fund tournament kung saan ay hahamigin ng magkakampeon ang $18,000, habang $10,500 ang makukuha ng second placer.

Swak din sa Last 16 ang kasalukuyang WPA World 9-Ball women’s champion na si Chou Chieh-Yu ng Chinese Taipei matapos da­igin sina Soledad Ayala ng Argentina, 2-0, sa winrer round 1 at Eylul Kibaroglu ng Turkey, 2-0, sa winners qualification.

Samantala, laglag na ang isang Pinay cue artist na si Dori De leon matapos malasap ang dalawang su­nod na kabiguan.

Naimbitahan si Cente­no na tumumbok sa prestihiyosong Las Vegas Open Women na parte ng CueSports International Expo ay dahil sa pagiging world champion nito nakaraang taon sa Austria.

Mag-uuwi ng tig-$5,200 ang dalawang matatalo sa semifinals, habang tig-$2,625 ang apat na tumalsik sa quarterfinals.

Show comments