Tiket sa AAGC mabibili na

MANILA, Philippines — Maaari nang makabili ng tiket para sa 11th Asian Age Group Championships na pakakawalan sa Pebrero 26 hanggang Marso  9 sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.

Isasalang ang swimming sa Pebrero 26-29, ang diving sa Pebrero 26 hanggang Marso 1, ang ar­tistic swimming sa Marso 2-6 at ang water polo sa Mar­so 3-9.

Ang Daily Pass ay nagkakahalaga ng P200.00 (plus transaction fees).

Ang mga multi-day passes ay ang mga sumu­sunod:

Swimming (4 days @ P800.00), diving (5 days @ P1,000.00), artistic swimming (5 days @ P1,000.00), water polo (7 Days @ P1,400.00) at championship (All 13 days @ P2,600.00).

Higit sa 1,000 athletes mula sa 25 ang lalahok sa torneo.

Ang Pillipinas ay may ka­buuang 44 entries.

Ang world-class New Clark City Aquatics Center? ay tumayo ring venue ng 2019 Southeast Asian Games.

Show comments