Harden ite-trade ng 76ers?

James Harden
STAR/ File

PHILADELPHIA - Ginamt ni 76ers’ guard James Harden ang kanyang $35.6 million contract option para sa su­sunod na season.

Ngunit puwedeng i-trade ng Philadelphia ang ve­teran scorer.

Maaari sanang tanggi­han ng 33-anyos na si Harden ang option at subukan ang free agency.

Bagama’t hindi pa ma­linaw kung ite-trade ng koponan si Harden ay nag­sabi naman ang tinaguriang “The Beard” na gusto niyang manalo ng NBA championship sa Philadelphia man o sa ibang title contender.

Pinamunuan ni Harden ang NBA sa assists sa na­karaang season sa kanyang average na 10.7 per game.

Sa Sacramento, mana­natili sa KIngs si forward Harrison Barnes matapos pumayag sa isang three-year, $54 million contract.

Nagposte si Barnes ng average na 15.0 points sa na­kalipas na season para sa Sacrameto sa likod nina De’Aaron Fox, Domantas Sa­bonis at Kevin Huerter.

Ito ang magiging ikaa­nim na season ni Barnes para sa Kings na tinalo ng Golden State Warriors sa nakaraang playoffs.

Sa Chicago, ginamit ni veteran center Andre Drummond ang kanyang pla­yer option para manati­li sa Bulls sa susunod na season.

Ngaposte ang 29-an­yos na two-time All-Star ng mga averages na 13.2 points at 12.7 rebounds sa loob ng 11 seasons para sa Detroit, Cleveland, Los Angeles Lakers, Philadelphia, Brooklyn at Chicago.

Show comments