Nierva pasok sa Crossovers
MANILA, Philippines — Pormal nang inihayag ng pamunuan ng Chery Tiggo Crossovers ang pagpasok sa kanilang tropa ni National University libero Jen Nierva para sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference.
Isiniwalat ng Crossovers ang paghugot nito kay Nierva sa kanilang mga social media accounts.
Mainit na tinanggap ng Crossover si Nierva na malaki ang maitutulong sa kanilang floor defense dahil sa malalim nitong karanasan.
“Player #19, our new libero,” ayon sa post ng Chery Tiggo.
Isa si Nierva sa limang players na bagong hugot ng Crossovers.
Inaasahang dadalhin ni Nierva ang championship experience nito sa kampo ng Crossovers.
Bahagi si Nierva ng Lady Bulldogs na nagkampeon sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament noong nakaraang taon sa pamamagitan ng matamis na sweep.
Sa naturang season din naging Best Libero si Nierva.
Sa nakalipas na UAAP Season 85, kasama si Nierva sa tumapos bilang runner-up sa likod ng eventual champion La Salle.
Magiging kapalitan ni Nierva sa floor defense si Buding Duremdes na itinanghal na Best Libero noong 2022 Reinforced Conference.
Inaasahang papangalanan pa ng Crossovers ang pangalan ng apat pang bagong recuits nito.
- Latest