Bachmann kumpiyansa sa kakayahan ng para athletes

Richard Bachmann
UAAP

MANILA, Philippines — Isasalang ng Pilipinas ang 172 differently-abled athletes sa misyong makahakot ng mga gintong medalya sa 12th Asean Para Games sa Hunyo 3 hanggang 9 sa Phnom Penh, Cambodia.

Ang malampasan o maduplika ang nakolektang 28 golds, 30 silvers at 46 bronzes ang hangad ng delegasyon na tumapos sa fifth place sa nakaraang Asean Para Games na idinaos sa Indonesia.

Naniniwala si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann na gagawin ng mga Pinoy para athletes ang lahat para manalo ng gold medal.

“With the all-out support from the national government, I am positive that you will give your all for flag and country,” ani Bachmann. “Together, let us proclaim that in sports, there are no walls impossible to climb.”

Sa nasabing edisyon noong 2022 ay nagsulong si chess player Sander Severino ng apat na ginto at dalawang pilak na medalya.

Nagdagdag ng tig-tatlong gold sina Darry Bernardo at Menandro Redor ng chess at sina Ariel Alegarbes at Angel Otom ng swimming.

Lalahok ang mga para athletes sa 14 sports na nakalatag sa Cambodia Para Games.

Sa Cambodia rin ginawa ang nakaraang 32nd Southeast Asian Games kung saan tumapos sa No. 5 spot ang Team Phi­lippines.

Show comments