^

PSN Palaro

Valdez kating-kati na maglaro

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Valdez kating-kati na maglaro
Alyssa Valdez.
PVL

MANILA, Philippines — Excited na si outside hitter Alyssa Valdez na maka­balik sa aksyon partikular na sa 2023 Southeast Asian Games na gaganapin sa Mayo sa Cambodia.

Nasa rehabilitasyon pa si Valdez na kasalukuyang nagpapagaling sa kanyang injury sa tuhod.

Nakita ni Valdez ang matamis na tagumpay ng Cool Smashers nang angkinin nito ang Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference matapos talunin ang Petro Gazz.

Kaya naman  mas lalo nangangati ang paa ni Valdez na makabalik sa porma.

Isa sa target ni Valdez ang masilayan sa aksyon sa SEA Games na idaraos sa Mayo 5 hanggang 17.

Kung mapapasama si Valdez sa national team na sasabak sa Cambodia SEA Games, ito na ang ikalimang sunod na pagkakataon na makalalaro ito sa naturang biennial meet.

Nakasalalay ang lahat sa magiging rekomendasyon ng mga doktor at physical therapist na humahawak sa rekord ni Valdez.

“I’m getting closer to full recovery. Hopefully, I’m really close. My doctors, PTs, and coaches also really want me back 100 percent so I really have to be patient and trust the process,” ani Valdez.

Masaya si Valdez sa tuwing tinatawag ito para sa national team.

Sa katunayan, isa ito sa mga napili para maging miyembro ng national pool sa Cambodia SEA Games.

Kaya naman handa itong gawin ang lahat para makatulong sa kampanya ng Pinay Spikers sa SEAG.

Makakasama ni Valdez sa national pool ang teammates nitong sina Jia De Guzman, Tots Carlos, Jema Galanza, Michele Gumabao, Celine Domingo at Kyla Atienza.

Pakay ng Pilipinas na makabalik sa podium sa SEA Games. Huli itong nagkamit ng medalya noong 2005 edisyon ng SEA Games na ginanap sa Bacolod City.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with