^

PSN Palaro

PSC may 4-point plan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilatag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann ang plano nito para sa mga atleta gayundin sa programa ng asosasyon sa mga susunod na taon.

May four-point plan si Bachmann na susundan nito para sa maayos na pagpapatakbo ng ahensiya.

“I’m here to serve the athletes and serve sports, nothing else” ani Bachmann sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa PSC office sa Vito Cruz, Manila.

Una sa listahan ni Bach­mann ang maayos na pagpapatupad sa paglalabas ng mga allowances ng mga atleta.

“For me, to serve the athletes well, kailangan ko silang makilala. So I told myself that I need to go around and meet these athletes. I don’t want to be that chairman who’s stuck in the office,” ani Bachmann.

Kasunod nito ang pagsasaayos sa mga pasilidad ng ahensiya partikular na sa mga athletes quarters na tahanan ng mga mi­yembro ng national team at coaches.

Tututukan din ang pagkain at nutrisyon ng mga atleta gayundin ang iba pang aspeto na babantayan ni Bachmann.

Nais ni Bachmann na bisitahin ng personal ang mga atleta upang kumustahin at malaman ang mga kalagayan ng mga ito.

Kabilang sa mga napuntahan na ni Bachmann ang gymnastics, water polo, squash, soft tennis, table tennis, swimming, para-athletics, boxing, muay, wushu, athletics at weightlifting.

Nais ni Bachmann na bigyan ng atensiyon ang mga pangangailangan ng mga atleta gaya ng mga sports equipment.

Hindi rin isinasantabi ng PSC ang mga empleyado ng PSC na siyang katuwang mga atleta sa pagsasaayos at pag-aasikaso sa mga pangangailangan ng mga ito.

Kasama ni Bachmann sina commissioners Olivia “Bong” Coo, Walter Torres at Edward Hayco. 

vuukle comment

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with