^

PSN Palaro

PBA mag-a-adjust sa EASL ‘Champions Week’ schedule

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hahanap ng paraan ang Philippine Basketball Association (PBA) para makapag-adjust sa iskedyul ng ‘Champions Week’ ng East Asia Super League (EASL) sa susunod na taon.

Nauna nang kinansela ng EASL ang paglulunsad ng kanilang ‘home and away’ tournament dahil sa pagpapatupad ng ilang Asian countries ng COVID-19 health and safety protocols.

Ang 2022 PBA Philippine Cup champions na San Miguel at runner-up na TNT Tropang Giga ang kakatawan sa PBA sa EASL ‘Champions Week’.

“I think doable,” wika kahapon ni PBA Commissioner Willie Marcial matapos ang kanyang virtual meeting kina EASL CEO Matt Beyer at league CFO Henry Kerins. “Adjust lang natin ang schedule ng San Miguel at TNT.”

Bukod sa Beermen at Tropang Giga ng PBA ay sasalang din sa nasabing torneo ang mga top two teams ng Japan B.League, Korean Basketball League at P.League+.

EASL

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with