^

PSN Palaro

UP nakatakas sa Perpetual

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
UP nakatakas sa Perpetual
Lusot sa depensa ni Razel Aldea ng Perpetual ang kill ni Alyssa Bertolano ng UP.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Nakabangon ang University of the Philippines sa mabagal na simula upang pigilan ang University of Perpetual Help System Dalta, 10-25, 25-23, 22-25, 25-15, 15-10, kahapon sa Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila

Nagsanib-puwersa sina Alyssa Bertolano at Lainne Arce sa fifth set upang buhatin ang Lady Maroons sa unang panalo sa Pool  A.

Dinungisan ng UP ang rekord ng Perpetual Help na nahulog sa 2-1 marka.

“I told them to forget everything that happened in the first four sets, execute our game plan, and not commit the mistakes we did in the previous sets. Good thing they responded positively,” ani Fighting Maroons coach Shaq Delos Santos.

Dalawang sunod na aces ang pinakawalan ni Bertolano para iangat ang UP, 4-1 sa pagsisimula ng fifth set. Nakatabla ang Lady Altas sa 7-all subalit nagpasabog ang Fighting Maroons ng 6-2 ratsada para tuluyang makuha ang panalo.

Nakalikom si Arce ng kabuuang 14 puntos habang naglista naman si Bertolano ng 10 hits para sa Fighting Maroons.

Nasayang ang pi­naghira­pan na 15 puntos ni roo­kie Shaila Omipon at 14 markers ni Bedana para sa Lady Altas.

Sa ikalawang laro, na­naig ang Adamson University sa San Sebastian College-Recoletos, 25-10, 25-14, 25-18, upang sumulong sa 1-1 karta sa Pool B.

Wala pa ring panalo ang Lady Stags sa dalawang laro.

SHAKEY’S SUPER LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with