^

PSN Palaro

4 teams unahan sa 2-0

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na koponan ang nagnanais masikwat ang ikalawang sunod na pa­nalo sa pagpapatuloy ng Shakey’s Super League Pre­season Collegiate Championship sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

Una na ang University of Santo Tomas na ha­harap sa San Sebastian College-Recoletos sa alas-10 ng umaga habang mag-uunahan naman ang University of Perpetual Help System Dalta at University of the East na makuha ang 2-0 sa kanilang pagtatagpo sa alas-12:30 ng tanghali.

Lalarga naman ang sal­pukan ng Ateneo at Arellano University sa alas-3 habang aariba rin ang Far Eastern University kontra La Salle sa alas-5:30 ng hapon.

Pare-parehong nanaig ang Tigresses, Lady Altas, Lady Warriors at Lady Tama­raws sa kanilang u­nang laro sa opening day noong Sabado.

Dumaan sa butas ng karayom ang UST bago itakas ang 25-20, 27-29, 15-25, 29-27, 15-10 panalo laban sa Adamson University sa larong inabot ng madaling araw noong Linggo para makuha ang 1-0 sa Pool B.

Inasahang ilalabas muli ng Tigresses ang matatalim na pangil nito upang pigilan ang anumang pagtatangkang gagawin ng Lady Stags kung saan aasahan ng UST si wing spiker Eya Laure.

Wagi naman ang Perpetual Help sa San Beda University (24-26, 25-21, 25-23, 27-25) habang nakalusot din ang UE sa Mapua University (31-33, 25-20, 25-23, 21-25, 15-12).

vuukle comment

SHAKEY’S SUPER LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with